Biyernes, Nobyembre 8, 2013
NORA AUNOR: NATIONAL
ADDICT, NATIONAL ARTIST?
SI NORA Aunor, 61, (Mayo
21, 1952), ay isang certified addict in different degrees.
Noong Dekada ’70 (1970s) pa lang ay nag-umpisa na siyang
magumon sa pera, alak, sigarilyo, sex, sugal at iba pang bisyo.
Kung kailan siya nabulid sa droga, sa kanyang buong
kamalayan at sistema, ay tanging siya at
ang matatalik lang niyang mga kaibigan at kasamahan ang makapagsasabi. Ano’ng sey nyo, Boboy at Boyet?
Maraming kuwento noon sa mga shooting ng pelikula at
taping sa TV kung pa’no mag-jamming sina Guy at ang mga katropa niya. Ano ba ang resulta sa kanyang naging relasyon
sa mga Richard Merck, John Rendez at iba pang kahanay nila? Di ba, Julio Diaz?
But “the height of her
drug days ay nang masakote siya sa U.S. (March 30, 2005) na may dalang droga sa
kanyang bag. Kung anu-anong mga balita
ang lumabas at naligaw, hanggang isang araw nasumpungan na lang ang report na
siya’y ikinasal na sa kapwa tomboy na si Nori Sayo, an umano’y siya rin
tumatayong manager niya noon. Ang Drug Moll at ang Drag Mule, bow!
Superstar, Superstir!
Ang pagiging sugapa ni Nora sa sugal ay naibalita sa
halos lahat ng sulok sa U.S. at Pilipinas.
Kamakailan, sa Macau naman siya nabalitang nagliliwaliw at pati ang
dating Noranian na si Anthony Solis ay nabubuwisit na umano sa kanya, ayon sa
showbiz grapevine.
Binabanggit ko ang mga ito dahil napapanahon na siguro
upang pumili at magbigay-pugay tayo sa modernong Pilipino na sugapa sa maraming
bagay. Tutal, ang Pilipinas ay isa sa
mga sentro ng drug, human at sex trafficking sa buong mundo, at ang pagsusugal
ay pumalit na yata sa dati nating “pastime” na tsismis.
Kaya napapanahon na rin na tanghaling “National Addict”
si Nora Aunor bilang pagbibigay natin ng halaga sa lahat ng klase ng mga addict
sa Pilipinas, kasama na ang mga addict sa pork barrel sa pulitika at gobyerno.
Kung mayroon tayong “Pork Barrel King” na naturingan at
“Pork Barrel Queen” na tinatawag, natural na dapat ay magkaroon din tayo ng
“National Addicts,” at “National Scam Artists.”
At napag-uusapan na rin lang, may mga haka-haka na any
moment ay baka i-announce na ng Pork Barrel King ang mga napiling National
Artists kuno ng administrasyong ito bilang tugon sa naunang apat na National
“Con Artists” ng bilanggong dating Pangulong GMA.
Dapat ay sabay na parangalang National Artists sina Nora
Aunor at Carlo J. Caparas at isama na rin ang dating pinulitikang National
Artist na si Eddie Romero.
Teka nga pala, ano bang pelikula ang maaaring ikarangal
nina Romero at Caparas upang matawag silang National Artists for Film? Isa,
dalawa, wala!
Parang si Dophy rin.
Ano bang magandang pelikula mayroon ang yumaong komedyante upang
i-consider siya bilang National Aritst for Film?
Wala akong makita kundi
pawang potboilers.
Sa madaling salita, pulos mga pelikula lang na ang
tanging dahilan kaya ginawa ay upang kumita at kumita sa takilya. At na-achieve na nina Carlo at Dolphy ang
box-office success noon para sa mga “pekeng” pelikula nila.
So what do they need the National Artist for? Masyado na
bang “commercial” ang kalakaran ng National Artist, maliban sa pagiging
“political” at pamumulitika nito? Paging the dying CCP and the corrupt NCCA...
Pero si Nora Aunor ay karapatdapat na hiranging National
Artist, dahil sumisimbolo siya ng maraming mga miserableng Pilipino na walang
sapat na trabaho at ikinabubuhay nang matiwasay.
Hayon nga at pati ang TV5, ang layaw na network na
nagkamaling kunin siya ay ‘di na yata nagbabayad sa kanya sa maraming
kadahilanan.
Remiss sa trabaho. Late o wala sa taping. Umaalis ng bansa nang ‘di nagpapaalam at
iniiwang nakatiwangwang ang naka-schedule na trabaho. Etc, etc, etc.
Hanggang marami ang ‘di natututo ay tila ‘di rin matututo
ang isang Nora Aunor. Gaya rin ng
maraming Pilipino.
In short, Nora as National Artist may be a “popular
choice.” But we are sending the “wrong
signal.”
Mabuhay ang mga addict sa loob at labas ng gobyerno!
N. B. Lumabas din sa kolum
na “Alipato“ ni Jake Villanueva, centerspread, Pasabog, Nobyembre 8, 2013.
No comments:
Post a Comment