Dugong
showbiz si Raymond Manuel
By Art T.
Tapalla
Raymond Manuel/TV Host |
Bihira ang nakakaalam na si Raymond ay
nagmula mismo sa angkan ng dating movie producer at director na si Manuel
Portillo, ang kanyang great grandfather.
Si Manuel Portillo ang nagtatag at may-ari ng MPM Productions na siyang
gumawa ng Dragon Force Connection
(starring Ramon Zamora) at Mga Bakas ni
Magsaysay (with Berrnard Belleza, ama ni Dranreb) noong late 1960s. Si Portillo rin ang naging director sa mga nabanggit
na pelikula ng MPM at marami pang iba, ayon sa anak nitong si Precy.
Ang mga Portillo ay taal na
taga-Mandaluyong at hanggang ngayon ay marami pa rin sa kanila ang naninirahan
sa maunlad na lugar ni Mayor Danny de Guzman (na magsisimula sa 2013).
Si Raymond ay apo ng dating artistang
si Venus Portillo na lumabas din sa ilang pelikula noong panahon ng kasikatan
ng sexy star na si Rosanna Ortiz (Viola Ortiz ng Jose Rizal College, now Jose
Rizal University) noong 1960s.
Nais ni Raymond na maging all-around or
total performer kaya nakahanda siyang mag-workshop sa lahat ng aspeto ng
showbiz – acting, dancing, singing, hosting at iba pa.
Sa ngayon, hinahasa ni Raymond ang
kakayahan niya sa hosting sa late-night show ni German Moreno. Gusto rin niyang sumabak sa pag-arte maski sa
indie films kung may pagkakataon.
Pero nakahanda ba siyang maging bold
and daring na kadalasan ay siyang hinigingi sa mga karaniwang indie film?
Depende sa role at sa pagkakataon, aniya.
Darating din daw siya umano diyan, in due time, gaya ng maraming
artista.
Balak ni Raymond na magtagal sa showbiz
pero hindi raw niya iiwan ang kanyang pag-aaral sa La Salle. Puwede naman daw pagsabayin ang kanyang
studies at showbiz lalo pa’t di pa naman siya gaanong busy sa kanyang showbiz
schedule.
Sa suporta ng kanyang pamilya at mga
kaibigan, at sa angkin niyang talino at pagpupursige walang dudang maaabot ni
Raymond ang kanyang mga pangarap.
No comments:
Post a Comment