By Art T. Tapalla
Fluvial parade of Bajaus in the film Thy Womb (Sinapupunan)http://tiff.net/filmsandschedules/tiff/2012/thywomb |
Pero noon pa yun, at tila nag-iba na
ang ihip ng hangin. Ang latest na
usap-usapan ngayon ay nasa kampo na ng superstar na si Nora Aunor ang katotong
JC. At maraming Noranian ang natutuwa na
may halong pangamba at pagka-asiwa.
Ibang klase kasi ang JC, ibang klase...
Una, hindi mo siya mahagilap. Daig pa si Greta Garbo sa pagiging “recluse”
at mailap. May cellphone number nga,
pero di naman nagri-reply. Nagri-ring
kung minsan ang cellphone niya pero wala namang sumasagot. Minsan, lumalabas at lumilitaw, pero most of
the time ay wala.
Sa pagkakaalam ko ay sa Center Stage
Productions na ni Direk Brillante “Dante” Mendoza nagtatrabaho si JC. Ang sabi niya sa akin noong huli kaming
magkausap ay “parttime” at “consultant” lang daw ang trabaho niya sa Cannes
Best Director (2009).
But the facts betray the real
situation, ayon na rin sa ilang reliable sources. In fact, kay JC Nigado mismo nanggaling at
siya ang nagbigay ng kakaiba at karapatdapat na title sa pelikula ni Brillante
na Thy Womb (Sa Iyong Sinapupunan).
Ang sabi, ang original title ng
naturang pelikula nina Brillante at Nora ay Bajau
(or Badjau?). Tapos, pinalitan ito ng scriptwriter na si
Henry Burgos ng Barren, na
napakaliteral na description ng baog na character ni Nora sa naturang
pelikula. Tipong ABS-CBN ba!
Hindi umano type ni Brillante ang
naunang mga working title at, siyempre, nag-consult daw ito kay JC na lagi raw
nitong kasa-kasama kahit saan magpunta ang award-winning na direktor. Si JC Nigado na ba ang alter ego, ghost
writer at overall consultant ni Brillante Mendoza? Aba, can afford siya! JC is very precious, sabi pa nga noon ng
yumaong National Artist na si Lino Brocka.
Malamang, ayon naman sa isa pang
nagpupunta sa garden-studio ng Center Stage.
Anyway, binago nga raw ni JC ang gasgas at pangit na title ng pelikula
ni Nora at ginawang Thy Womb (Sa Iyong
Sinapupunan).
Captive poster |
Incidentally, alam ko ring si JC ang
nagpalit ng dating title ng pelikulang Captive,
Brillante’s official main competition entry to this year’s 62nd Berlin
International Film Festival na umuwi nang luhaan noong February 2012.
Pero sabi ni JC noon, bet niya at
mahirap daw talunin si Isabelle Huppert sa best actress category. Napulitika ba ang sikat na French actress at
iba ang nagwagi? O baka naman nagsawa na sila kay Dante.
From Prey to Captured (unang
title sa Berlin) naging Captive ito
nang umeksena na si JC Nigado sa Center Stage.
Bongga, di ba?
Nora Aunor as Shaleha in the film, Thy Womb (Sinapupunan) http://tiff.net/filmsandschedules/tiff/2012/thywomb |
Nagkakilala at naging magkaibigan ba
sina JC at Nora sa Tawi-tawi sa loob ng dalawang linggong shooting noong Abril?
Bali-balita na noong last shooting day
ng Thy Womb sa Tawi-tawi ay namigay
diumano ng pera si Nora sa members ng production staff at crew. May binigyan ng P40,000, may P20,000, may
tig-P10,000 at ang karamihan ay tig-P2,000 bawat isa. May inabutan ng tig-P1,000 at tig-P500, tulad
ng mga Badjau. Si JC kaya, binigyan ba
siya ni Ate Guy? Magkano naman?
But knowing JC, hindi niya tatanggapin
ang perang ibibigay ni Nora. At kung
saka-sakaling tanggapin man niya ito, yun ay ibibigay rin niya sa Temple.
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring
mag-reply ni JC sa mga text ko. Parang
ayaw niyang magbigay ng anupamang karagdagang impormasyon maliban doon sa
konting nasabi niya noon. Pinagbabawalan
ba si JC na magsalita tungkol sa Thy Womb
o ayaw lang talaga niyang magsalita? (Pero ang galing talaga ng mga Noranian –
basta tungkol sa idolo nila wala silang palalagpasin at di kayang gawin. Halos kahit anong impormasyon ay talagang
hahanapin at kukunin nila basta tungkol kay Nora.)
Anyways, kung kilala ko si JC, malamang
na ayaw lang talaga niyang magsalita o maging source ng anumang impormasyon
tungkol sa unang project na kahit papaano’y “pinagsamahan” nila ni Nora. Pero sa totoo lang, excited naman ang ilang
mga Noranian (na kagaya ko) hinggil sa bagong development na ito. Biro niyo, isang matinding Vilmanian ang nasa
likod ng bagong pelikula ni Ate Guy! At
hindi basta-basta, ha!
Pero kahit anong “pagtatago” pa ang
gawin ni JC Nigado (o Julio Cinco N.) ay may mga bagay pa rin na lumalabas
tungkol sa partisipasyon at ginagawa niya sa Thy Womb. Kamakailan, isang
kopya ng tinatawag na “Director’s Intention” para sa pelikulang Thy Womb ang nakalap namin at, believe
you me, ‘ika nga, tatak JC Nigado ang pagkakasulat nito.
Bembol Roco as Bangas-an, Lovi Poe as Mersila and Nora Aunor as Shaleha in the film, Thy Womb (Sinapupunan) http://tiff.net/filmsandschedules/tiff/2012/thywomb |
At ang naturang “Director’s Intention” na supposedly ay galing kay Brillante Mendoza, natitiyak kong 99 percent na sinulat ito ni JC. Tunghayan natin ang nasabing “Director’s Intention” ng Thy Womb:
“I
AM making a film about the Bajaus, with the aim to celebrate a nonviolent
people amidst a very violent world. It’s
an intriguing premise about a particular people of peace living in a place of
endemic violence.
“One of the most interesting peoples in
southern Philippines, the Bajaus are native sea-dwellers that are also found in
the neighboring Malaysian and Indonesian archipelagos. They are the so-called Sea Gypsies who are
skilled in building various types of boats, and widely known as fishermen,
pearl divers and mat weavers.
“As a film, Thy Womb (Sa Iyong Sinapupunan)
examines the opposing natures of two women (Nora Aunor/Shaleha’s sterility
against Lovi Poe/Mersila’s fertility) to reflect the prevailing condition in
Tawi-tawi, a place endowed with natural beauty and rich resources but mired in
economic and socio-political crises. A
quiet hell of a paradise, Thy Womb’s “birth place” and its
environs are constant reminders of yesterday’s conflict that has remained
unresolved up to the present.
“The Bajaus are considered to be the
most primitive and oppressed among several ethnic groups in the region; and
they assume a subordinate status in their diverse and divided community, which
includes the Samal and the Tausug, among others. But in spite of this, the Bajaus are
generally perceived to be non-confrontational, forgiving, seemingly contented
and happy people.
“When wronged, it is said that the
Bajaus would simply move to another place, bringing their houseboats (lepa-lepa),
constantly roving, living in harmony with nature. To this day, they are mostly looked down,
degraded and much maligned by their ethnic neighbors and others, thus rendering
them harmless, helpless and almost powerless.
“But in their heart of hearts, are they
really so, or is it just another way of life merely misunderstood by those
inured to violence? With this thought
and theme, and my curiosity further piqued, the narrative voice of the film has
emerged loud and clear.
Lovi Poe as Mersila in the film, Thy Womb (Sinapupunan) http://tiff.net/filmsandschedules/tiff/2012/thywomb |
No comments:
Post a Comment