Tuesday, August 28, 2012

Who’s afraid of DANNY DE GUZMAN?



Who’s afraid of 
DANNY DE GUZMAN?


People's Mayor Danny de Guzman tells some 
sob stories about his office, city and its citizens
MARAMING multo sa Mandaluyong at isa-isa o sabay-sabay na itong nagpaparamdam at nagpapakita sa kasalukuyang nakaupo sa puwesto at sa mga alipores nito.  Balitang maski sa sarili niyang anino ay takot na rin ang incumbent kaya dinadaan na lang nito sa mga tarpaulin, na nagkalat sa buong siyudad, ang panunungkulan nito.
Mandaluyong constituents gather in droves at the 
dilapidated stair and small lobby of the 
People's Mayor's office
         At ayon mismo sa mga nakakaalam sa city hall, takot na takot si Mayor Tarpaulin sa anumang nakikitang tarpaulin ni Mayor Danny de Guzman sa kahit na saang lugar o sulok ng Mandaluyong kaya agad itong pinatatanggal sa mga naglipanang mga galamay.
         Isang ikot sa buong siyudad ng mga baliw at iskwater ay kapansin-pansin na halos walang katiting na tarpauling nakasabit si Danny De Guzman.  Maliban na lang siguro sa kanyang sira-sirang opisina sa lumang city hall building sa loob ng Maysilo Circle na halos nasilo na nang buong-buo ni Mayor Tarpaulin.
         Nakakatakot ba si Mayor Danny de Guzman?  Anong mayroon siya at talagang “threatened to the max” sina Mayor Tarpaulin at ang tropang trapo nito? Isipin niyo, maski tarpaulin lang ni Danny ay pinag-iinitan pa nila.  Overrr... sobra... at lagpas na!  Kaya tama na!
         Takot at di matatahimik ang mga bulok at tiwaling pulitiko na matagal nang pabaya sa kanilang puwesto at trabaho kay Mayor Danny de Guzman.  Sa tunog at dating pa lang ng kanyang pangalan ay nanginginig na ang buong katawan at katauhan ni Mayor Tarpaulin.  Masdan niyo ang mahabang pila ng mga mahihirap at ordinaryong mamamayan ng Mandaluyong na araw-araw ay nagbabakasakaling makita at makausap si Mayor Danny de Guzman.  Lahat sila ay humihingi ng tulong, sa iba’t-ibang pangangailangan, na malugod namang tinutugunan pagdating ng kaibigan, kapuso, at kapamilya nilang si Danny.
         Si Mayor Danny de Guzman ang siyang tunay na “Best Friend ng Bayan” at di ang sinumang pretender na mahirap abutin at lapitan.
A square "halo" befits the 
Most Popular Mayor of Mandaluyong City
         Sabi nga ng isang epileptic patient na matiyagang naghihintay kay Mayor Danny de Guzman sa kanyang opisina: “Ayaw na naming magpunta sa magarang blue building dahil masyadong sosyal ang mga tao roon.  At malamang na masigawan pa ako ng tauhang si Ferdie.”
         Napag-alaman naming si Ferdie ay ang kilalang mahadera at salbaheng bakla na matagal nang empleyado ni Mayor Tarpaulin.  Tunay ka, totoong naglipana ang mga bakla – tago man o ladlad – sa administrasyon ni Mayor Tarpaulin for 15 years.  Is it his way of “making up” for a lost gay love?
         Kapansin-pansin na walang gaybar at walang massage parlor ng mga bakla sa Mandaluyong.  Pero ang buong siyudad ay mistulang gaybar at cruising ground ng mga bakla sa buong Metro Manila at karatig-pook.
         At ang lahat ng ito ay dahil umano sa “fear and loathing” ni Mayor Tarpaulin at ng mga alalay nito.  Matagal nang napababayaan ng mga sinungaling at mandaraya ang mga mamamayan ng Mandaluyong.  Panahon na ng pagbabago at katotohanan. (MJG)
The People's Mayor(fourth from right) with his Power Staff and friends


No comments:

Post a Comment