Monday, August 27, 2012

People's Mayor vs. Mayor Tarpaulin


People's Mayor vs. Mayor Tarpaulin


Seen at his employees' office is Mandaluyong Danny de Guzman's only existing picture as of press time.  Reports say that all his publicity attempts including tarpaulins, and newspaper writeups are either confiscated or destroyed in Mandaluyong City, Philippines

MISTULANG showbiz ang labanan sa pagka-mayor sa Mandaluyong City sa darating na midterm elections sa Mayo 2013.  Ang kinikilalang siyudad ng mga baliw (dahil sa tinatawag na “Mental Hospital” na siyang matagal nang landmark ng naturang lugar) sa loob at labas ng bansa ay may natatanging aliw na idudulot sa karambola ng mga pulitiko.
         Kung ang pulis ay may patola ang pulitiko naman ay may pulpol kahit gaano pa ito katagal sa puwesto ng mga buwaya at trapo.  Kamakailan ay nagdaos ng isang payak na birthday celebration ang 58-anyos na si Precy Portillo sa 524-C M. Gonzaga Street, Barangay Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong.
         Si Precy ay kapatid ng dating artistang si Venus Portillo na noon ay naging malapit sa sexy star na si Rosana Ortiz na namayagpag noong late 1960s at early 1970s.  Sa simpleng pagtitipong iyon ay napag-alaman naming tiyak na pala ang labanan nina Mayor Danny de Guzman at Mayor Tarpaulin.  Ang vice diumano ni De Guzman ay ang beteranong si Bibot Domingo at si Konsehal Edward Bartolome naman ang akay ng Tarpaulin.
People's Mayor Danny de Guzman
         Ito’y isang kuwentong kalye sa loob ng sagradong bahay nina Precy sa mismong okasyon ng kanyang kaarawan na dinaluhan din nina Gloria Huen Dollentes, 89-anyos (ipinanganak noong Pebrero 29, 1923), Susan Martinez, Minerva Intia at ang mga bagets na apo ni Precy na sina Zshaneille at Zhendrick Bayona kasama ang kanilang ina.
         Ang simpatiya ng halos lahat ng tao roon ay na kay De Guzman na ang litrato ay makikita sa loob ng bahay ni Precy.  Pero may mga konsiderasyon ang ilan dahil sa mga kapatid o malalapit nilang kamag-anak na nagtatrabaho sa city hall.
Sundry tarpaulins of Benhur Abalos and his party 
litter the premises of the Mandaluyong city hall
         Gusto at nasa puso’t damdamin nila si De Guzman pero natatakot naman silang mawalan ng trabaho at kabuhayan ang mga kapamilya nila na umaasa sa pansamantalang biyaya ng Tarpaulin Mayor.  Siyangapala, sa nakaraang kaarawan ni Mayor Tarpaulin (July 19) ay nagkalat ang mahigit 33 tarpaulin greetings at iba pa sa entrance at lobby ng mayor’s building.  At sa buong Maysilo Circle ay naglipana ang iba’t ibang mga tarpaulin ni mayor na mistulang mga basura sa paningin at environment.
The Mayor with a vision and a mission for Mandaluyong and its people
         Mas marami ang mahihirap sa Mandaluyong (tulad ng halos lahat ng bahagi ng Pilipinas), at karamihan sa kanila ay si Mayor De Guzman ang isinisigaw ng puso’t damdamin nila.  Pero nababalot ang buong siyudad ng mga tarpaulin ng kaliweteng mayor na siyang patuloy na bumubulag sa kanila.
         Malaki ang kasalanan at pagkukulang ni Mayor Tarpaulin sa mga iskwater at iba pang mamamayan ng Mandaluyong sa mahigit 25-taong panunungkulan nito at ang naunang kaalyadong alkalde.  At panahon na ng pagbabago at totoong pamumuno sa bayan.
         Bagong dugo sa pulitika at bagong dugo sa showbiz.  Sa mga newcomer sa ABS-CBN, nangingibabaw ang appeal at arte ng matangkad at 17-anyos na si Marco Gumabao, anak nina Dennis Roldan (Michel Gumabao sa tunay na buhay) at ang dating modelong si Lollie Imperial. Simple lang at natural kung umarte si Marco kaya siya’y napapansin at namumukod sa hanay ng mga TH at nakakainis umarte na kasamahan niya sa Luv U, tuwing Linggo ng hapon.
Raymond Manuel/ TV Host
         Sa GMA-7 naman, isang sorpresa ang 18-anyos na La Salle student na si Raymond Manuel, na mapapanood sa Walang Tulugan ni German Moreno.  Si Raymond ay galing sa isa ring showbiz family na tila nakalimutan na ng panahon.
         Pero dahil dugong showbiz ang nananalaytay sa mga ugat ni Raymond kaya pinagbibigyan niya ang kanyang hilig kahit na mag-umpisa pa siya kung saan.  Na sinasabayan naman niya ng kanyang pag-aaral sa Taft and the tough world of showbiz.
         Umpisa pa lang ito, Mayor Danny, Marco at Raymond!
         

No comments:

Post a Comment